Mensahe para sa AMBALA Summit mula sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA)

Ang pakikibaka ng magbubukid sa Asyenda Luisita ay inspirasyon sa pakikibaka ng masang anakpawis at ng iba’t ibang progresibong sektor sa loob at labas ng bansa.

UMA Pilipinas

ambalasum

pahayag

Agosto 15, 2015

Maalab na pakikiisa ang ipinaaabot ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) sa pamunuan at malawak na kasapian ng AMBALA na naglulunsad ng dalawang-araw na pagtitipon ngayong Agosto 15-16.

Napapanahon at makabuluhan ang tema ng pagtitipon:  “Konsolidahin ang ating hanay para sa ibayong pagtatanggol ng karapatan sa lupa! Tanganan ang gintong mga aral ng dakilang welga!” Sa nakaraang mga taon, naipakita ng mga manggagawang-bukid ng Luisita ang kapangyarihan ng sama-samang pagkilos sa mga tagumpay na nakamit sa iba’t ibang larangan ng pakikibaka. Sa kabila ng mabangis na pamamaslang, panunupil, panloloko, pagpapalayas at pangangamkam, nagpapatuloy at lalo pang umiigting ang laban ng mga manggagawang-bukid para sa tunay na reporma sa lupa at hustisya.

Sa unang hacienderong rehimen ng mga Cojuangco-Aquino, ipinatupad ni Cory Aquino ang bangkaroteng Stock Distribution Option o SDO sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Ang paghihirap ng libu-libong manggagawang-bukid ng Asyenda…

View original post 699 more words

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s